Friday, September 12, 2008

pakagat

exposition

bells ringing

Maingay na sumisigaw ang alarm clock, hudyat na ito ng simula ng araw ni Kervin. Ngunit hindi ito kagaya ng kahit anong simula ng umaga. Una, dahil ang buwan at kadiliman ang makikita mo pag ikaw ay sumilip sa labas ng bintana at hindi ang pag gising ng araw...

Galing sa eskwela ay pagod na uuwi ng bahay si Kervin sapagka't sya'y nagaaral sa kalayuan ng syudad ng Pasig. Mula eskwela ay tatayo sya sandali sa katabing tambayan ng mga patapon ang buhay sa harap. Magaantay bago makasakay pauwi ng tricycle sa tapat ng katanghalian. Kelangan kasing mapuno ang upuan dahil ang kanyang pamasahe ay hindi kayang magspesyal ride.Pagabot sa terminal ng trike ay sasakay sya ng jeep byaheng palengke at pagbaba naman ng jeep ay maglalakad sa kalagitnaan ng digmaan ng init ng sikat ng araw at aspalto, hangang sa susunod na sakayan ng jeep derecho sa balangay.

Uuwi ng bahay si Kervin na pawis at pagod ang laman ng tyan. Maliligo at magpapalit ng itim na maong shorts katerno ng maluwag na puting t-shirt at tsinelas. Lalabas ng bahay na bakas sa muka ang kunot ng noo sa taas ng sikat ng araw wari bang nagsasabi ng kanyang katayuan. Tunog ng kalansing ng barya sa kanyang bulsa ang maririnig habang naglalakad tungo sa kanto, bibili ng ulam. Sakto lang ang pagkakatansya nya sa presyo kaya kasya pa ang 2 stick ng yosi sa sukli. Bago makabalik ulit sa bahay ay madadaanan nya muna ang nakatenggang mga drayber ng jeep at tricycle; ang iba pa ay madadatnan mong kumakain ng tanghalian sa lilim ng mga malalagong puno at grasa ng makina.

Maghahandang kumain kaya't iinitin na nya ang biniling ulam sa kalan. Habang inaantay ay sisimulan na nitong himayin ng pino ang damong mabango at babalutin sa katamtamang laki, gamit ang matamis na papel. Matagal ng sumisindi si Kervin kaya naman ay gamay na nya ang magbalot, pati ang papel pantay ang pagkakalapat; kalkulado ang kilos ng kanyang mga daliri kaya smooth lang. Mahalaga ang oras para sa kanya, kaya naman lahat ng kanyang kilos ay laging planado kahit sa maliliit na bagay kelangan detalyado. Kasama nya ang tv at ang pitchel ng tubig sa tanghalian. Ang channel ay palipat lipat, nililibang ang kanyang mapungay na mata sa walang katapusang pahina ng telebisyon.Sa mga ganitong oras ng araw ay dito na nya nadadama ang tinatawag na feeling of contentment sa buhay nya.

Mabagal na nangangarap ng gising. Masugid na umaasam, na sana'y ganito kadalas at kadali makamit ang ginhawa sa buhay. Tahimik, kasabay ng init ang madalang ngunit malakas na pagdaan ng hangin sa kanyang muka at mga biyas. Uupo si Kervin sa bubongan ng bahay. Sa parteng may konting lilim ng puno ng acacia, sakto lang sa kanyang kinauupuan at kita ang mga nagdadaan sa kalsada. Maingat nyang aabutin ang lighter sa tabi ng bintana at sisindihan ang mabangong damo na nakabalot sa matamis na papel. Mahinahon at hiyang. Walang iniisip na kahit anong klase ng paghihirap. Tagapagmasid lang sa mas pinabagal na pagikot ng mundo.

4:2o na pala

No comments: